Dear Diary,
Sabi nila "First Love Never Dies." Maniniwala na sana ako kung di ko lang sinaktan ang ex ko. First love ko sya at first love din nya ako. We were so in love talaga at a young age at sobrang saya namin noon. Sabay naming na explore ang mga sarili namin, kasama kami halos everyday kasi schoolmates kami.
Hanggang sa nung mag college kami, sabay rin naming enexplore ang mga katawan namin hahaha. In short, pareho naming FIRST ang halos lahat ng bagay. Gumradweyt kami at nagtrabaho hanggang sa ika 7th year ng aming relasyon, nag propose sya sa akin.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at umatras ako. Sabi ko sa kanya wala akong iba pero nag Change oil ako bigla. Sabi ko wala akong iba pero nagkagusto ako sa iba.
Mahal na mahal ko sya walang duda. Pero hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at bigla na .lamang akong nanlamig sa aming relasyon.
Hiniwalayan ko sya. Hiniwsalayan ko sya bg walang sapat na dahilan pero mahal na mahal ko sya. Hindi ko lang alam kung bakit bigla na lang akong nagbago..
Minsan inisip ko bigyan ng chance yung relasyon namin baka na bored lang ako. Pero lumipas ang 3 buwan wala pa ring pagbabago sa nararamdaman ko kaya nakipaghiwalay na lang ako kasi ayoko nang dagdagan pa yung sakit na nararamdaman niya.
Lumuhod sya sa akin. Nagmakaawa sya sa akin na patawarin ko sya kung nagkamali sya. Alam kong wala syang kasalananan dahil ako ang tunay na may kasalanan sa kanya. Diko matiis na makita syang nakaluhod sa harapan ko ka ng walk out ako at iniwan ko sya sa ganoong posisyon; nakaluhod at sumisigaw ng "maghihintay ako kahit habangbuhay pa Babe."
Lumipas ang 20 taon. Bumalik ako sa lugar namin sa Davao. May asawa na sya at may 2 anak. Sinubukan ko syang hanapin sa FB at nakita ko nga siya. Parang akong nagbabasa nag talambuhay noon nang makita ko ang timeline sa kanyang profile. Simula sa pagtapos nya ng pagiging dentista hanggang sa sya ay nagkapamilya. Magkahalong saya at panghihinayang ang aking naramdaman dahil hanggan ngaypn, mahal ko pa rin sya at hinding-hindi ko sya kailanman makakalimutan. Inaamin ko, sya lang nag nagmahal sa akin ng pagmamahal na hindi ko naramdaman sa ibang naging BF ko pagkatapos namin. Wala ni isa ang humigit sa kanya.
Hindi ko alam kung nagiguilty lang ako dahil lumuhod sya sa akin noon o dahil mahal ko pa rin sya ay hindi ako maka move on kahit 2 dekada na ang lumipas nang iniwan ko sya sa ere.
Hindi ko napigilan ang sarili ko one time at nag message ako sa kanya sa FB. Masaya naman ako kasi nag reply sya. Nagkamustahan kami. Ewan ko ba at may kung anong pumasok sa isip at bigla ko syang tinanong ng "bakit di mo ako hinintay? Akala ko ba mahal mo ako at hihintayin mo ako habang buhay."
Para akong basang sisiw nang replyan nya ako nang "kalimutan mo na yun. Ang tagal na noon."
Humirit pa ang lola kahit masakit na. "Pero mahal pa rin kita."
SEEN
Ouch! Ang sakit. Hindi na ako humirit pa kasi baka mapagkamalan akong mistress ng asawa nya kung sakali mabasa nya ang conversation namin. Ayaw kong ma tulfo.
Ang sakit-sakit talaga sobra.
Kaya heto ako. SINGLE pa rin at saleslady lang. Hindi ako nakapagpatuloy ng Dentistry gaya ng pangarap namin ng ex ko kasi nalibang ako sa oagnenegosyo na nalugi din naman.
Masaya ako para sa kanya. Kahit heto ako nakakulong pa rin sa mga nagdaan naming alalala, paghihinayang, at pagsisisi.
Akala ko ba first love nagkakatuloyan. Akala. Ko ba tadhana ang maghahanap ng paraan. Bakit di kami nagkatuloyan eh mag first love kami?
Ang dami kong tanong sa sarili ko na kahit alam ko na ang sagot, hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko kung bakit ko sya iniwan.
Sana mawala na to lahat. Kasi more than 20 years na ang lumipas. Pero ito ako nakakulong pa rin sa mga memories na hindi na mapapakinabangan.
Ang sakit.. Ang sakit-sskit. Sana dumating na ang panahom na mawala na to. Kasi para akong namamatay araw-araw. Yung gustong-gusto ko syang bawiin pero hindi na pwede kasi hindi ko na pagmamay-ari ang puso nya.
Parang teleserye pero this is a real story. This is my story.